1. Elasticity. Mainam ang superpower na to pag ang exam ay 1 seat apart. Mag-inggat lang at wag papahuli kai teacher. Baka magka-heart attack pag makita kang nagmimistulang giraffe.
2. Enhanced Hearing. Ang kaklase mong mai ganitong superpower ang pinaka-importante sa lahat. Siya ang magsisilbing bantay tuwing umaalis si teacher para mag-cr o di kaya’y para bumalik sa faculty room kasi mai nakalimutang dalhin. Siya ang mag-aalarma sa iba sa tuwing maririnig niyang paparating na si teacher sa classroom. Pede rin niyang gamitin ang powers niya para lumikom ng sagot mula sa iba na vocal kung magdiscuss ng answers.
3. Super Speed. Tuwing exam, bawal ang mabagal kumopya, bawal ang mabagal magsulat, at bawal ang mabagal umintindi sa sagot. Kaya mainam na meron kang super speed tuwing exam. At sa sobrang bilis ng iyong pagkilos eh hindi mapapansin ni teacher na ikaw pala ay kumokopya.
4. Telescopic Vision. Sawa ka na ba sa mga kaklaseng sobrang liit ng handwriting? At kahit anong gawin mo eh hindi mo maintindihan kung letter e or c ba yung sinulat niya sa number 3? Kung oo eh telescopic vision ang superpower na bagay sayo. Kahit ung pinakamalayo at pinakamaliit na handwriting, sing liit pa man yan ng atom eh kayang kaya mong basahin nang walang ka-effort effort.
5. Telepathy. Ito siguro ang pinakamagandang superpower sa lahat. Pag meron ka nito, kahit umupo ka lang sa kinauupuan mo eh kayang kaya mo nang mabasa ang iniisip ng iba mong mga kaklase. At pede ka pang magsurvey para sa tamang sagot, kung anong choice sa question ang mai pinakamaraming boto. lol
6. Persuasion. Mainam gamitin ang superpower na to sa mga kaklaseng sobrang madamot kung magbigay ng sagot, lalo na sa mga kaklase mong nerd. Hindi mo na kelangang maging plastic kai nerdy classmate, kasi isang salita mo lang, eh kuha mo na ang gusto mo.
7. Invisibility. Siyempre, pag invisible ka eh hindi ka makikita ni teacher na kumukopya kai seatmate. Pede ka ring maglibot libot sa classroom at magsurvey sa tamang sagot. Mag-ingat lang at baka mapansin ni teacher na wala ka sa upuan mo at gawin ka pang absent. Tsk.
8. Enhanced Intellect. Pag meron ka neto eh hindi mo na kelangang kumopya pa kahit kelan. Kahit hindi ka na mag-exam at pumasok sa school. Trololssss!
---------------------------------------------------------
- PEDRO: Juan, anong trabaho ng tatay mo.?
- JUAN: hulaan mo.?
- PEDRO: Clue.!
- JUAN: Pinoprotect nya ang teeth.
- PEDRO: ahahhhhh!! TOOTHBRUSH.
-----------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------